UGAT was formed by various online groups |
UGAT is composed of Netizens from various Facebook groups and online communities and forums.
Many of UGAT's members are veterans of the cyber rally that was launched late last year on the occasion of Noynoy Aquino's online interview. On that day they "occupied" various Facebook pages including Aquino's official page. Last Friday, many of the went out of their comfort zone to personally express their support for Chief Justice Corona.
Katotohan Para sa Pagkakaisa at Demokrasya
Nakasalalay sa pambansang pagkakaisa ang katatagan ng ating gobyerno at demokrasya. Ang tangi nating hangarin ay isang gobyerno na kung saan batas ang naghahari. At demokrasyang patuloy na pinatitibay ng mga legal na proseso at paggalang sa mga demokratikong institusyon.
Ngunit paano tayo makakaasa ng pagkakaisa ng mamamayan kung ang mismong pinakamataas na pinuno ng Pilipinas ang pangunahing naghahasik ng pagkakahati-hati ng sambayanang Pilipino? Para kay Noynoy Aquino siya ay pangulong handa lang maglingkod sa kanyang mga kaibigan, kaklase at kabarilan, subalit mabangis na taga-usig sa kanyang mga inaakala niyang hindi kapanalig.
Maaari ba tayong mangarap ng isang tunay na demokrasya kung ang mismong pangulo ng bansa ang sumasalaula sa mga legal na proseso at batas na dapat sana’y siya ang tagapagpatupad? Sa mga mahahalagang usapin paulit-ulit na binale-wala at binabaluktot ng administrasyong ito sa pangunguna ni Noynoy Aquino ang mga batas para sa kanilang bentahe.
Anong klase ng demokrasya mayroon tayo kung ang nakikita ng sambayanan ay ang marahas na demolisyon ng mga demokratikong institusyon kagaya ng Korte Suprema? Ang gobyernong Aquino ay mala-Sendong na winawasak at sinasalanta ang institusyon ng hudikatura at ang integridad nito.
At ang pinakamasaklap sa lahat – ang mga bagay na ito ay nagagawa ni Noynoy Aquino sa pamamagitan ng paglalako ng takot, panlilinlang at kasinungalingan!
Naipuslit sa Kongreso ang impeachment complaint kahit hindi ito verified. Pikit-matang lumagda sa impeachment complaint laban kay Chief Justice Corona ang karamihan sa mga mambabatas dahil sa pananakot, pamimilit at panunuhol ng Malacanang.
At kahit ngayong malapit na dinggin ng Impeachment Court ang reklamo laban kay Chief Justice Corona patuloy pa din ang Malacanang at mga alyado nito sa mapang-hating gawain na pagpapakalat ng mga malisyosong impormasyon at kasinunggalingan.
Ngayon ang panahon para manindigan ang lahat na nagmamahal sa demokrasya. Sa tuwid na daan ng kasinunggalin ni Noynoy Aquino, tanging katotohanan ang ating sandata. Katotohanan lamang ang pupuksa sa mapanirang panloloko at kasinunggalingan pilit na nagwawasak sa paghahari ng batas at kaayusan. Katotohanan ang kalasag ng ating mga institusyon.
Sa banding huli, tanging katotohanan ang magpapalaya sa atin tungo sa isang matatag at demokratikong Pilipinas.
Manindigan para sa katotohan at demokrasya!
Ipagtanggol ang wastong proseso at ang rule of law!
Sagipin ang Korte Suprema at iba pang mga demokratikong institusyon!
No comments:
Post a Comment