Under PeNoy, the gap between the rich and the poor widens |
I was so moved by the story. Her story is something that the whole nation should know. Poverty remains an issue after four years of Aquino rule.
This made me thinking, there must be truth in Aquino's campaign slogan "Kung Walang Kurap, Walang Mahirap." The impoverishment of more Filipinos, which is at highest historical levels, is because of the prevalent corruption. All these news on PDAF and DAP and how Aquino and his allies have been stealing and misusing people's money are all but answers to the nagging question of why poverty continues in the Philippines.
This is the Aling Rosalinda's story:
MANILA, Philippines – How do Metro Manila’s poorest of the poor
manage to survive? Recently, InterAksyon.com talked to one of them -
Rosalinda Garcia – a street sweeper in Barangay 20, Tondo, Manila.
Garcia, a widow, lives with her young daughter in a barely 2x2-square
meter room in one of the depressed communities in Parola Compound.
Their house has no source of water, electricity, and toilet.
Garcia says she and her daughter, who have no formal schooling, don’t
know how to read or write and can’t always eat three square meals a
day. “Natutulog na lang kami ng maaga, para di na makaramdam ng gutom [We just sleep early so that we don’t feel the hunger pains anymore].”
Read InterAksyon’s no-holds-barred interview with Garcia below.
INTERAKSYON (IA): Ano po ang natapos n’yo?
GARCIA: Hindi ako nakapag-aral kahit Grade One.
IA: Ilang taon na po kayo?
GARCIA: Kwarenta….Singkwenta…Hindi ako sigurado eh.
IA: May birth certificate po ba kayo?
GARCIA: Wala.
Aling Rosalinda, street sweeper, in Bgy. 20, Tondo, Manila |
IA: Nasaan po ang asawa ninyo?
GARCIA: Patay na. Matagal na. Napag-tripan ng mga
adik sa Pier 2, pinalo nang pinalo sa binti. Hindi na nakatayo. Tapos
nagkaroon ng diabetes.
IA: May anak po ba kayo?
GARCIA: Oo, etong kasama ko, si Jennifer.
IA: Ilang taon na po si Jennifer?
GARCIA: Onse…katorse…Di rin ako sigurado…
IA: Wala rin po s’yang birth certificate?
GARCIA: Wala, di ko naparehistro.
IA: Nag-aaral po ba siya?
GARCIA: Hindi.
IA: Kahit kailan po hindi nakapag-aral? Kahit Grade One?
Jennifer, Aling Rosalinda's granddaughter |
GARCIA: Hindi.
IA: Ano po ang trabaho ninyo?
GARCIA: Nagwawalis ng kalsada
IA: Ilang oras po ang trabaho n’yo?
GARCIA: Mga…lima…
IA: Anong oras kayo nagsisimulang magwalis?
GARCIA: Alas kwatro (ng madaling araw).
IA: Anong oras natatapos?
GARCIA: Mga alas nuwebe (ng umaga).
IA: Magkano po ang kita ninyo?
GARCIA: Dalawang libo.
IA: Kada buwan?
GARCIA: Kada tatlong buwan.
IA: Sino po ang nagpapasweldo sa inyo?
GARCIA: Ang barangay.
Aling Rosalinda works 5 hours sweeping the streets of Parola |
IA: Ano po ang kadalasang almusal ninyo?
GARCIA: Monay at kape.
IA: Magkano po ang gastos n’yo sa almusal sa isang araw?
GARCIA: Trenta pesos.
IA: Sa tanghalian po, ano ang kadalasang kinakain?
GARCIA: Pakbet na gulay o kaya tuyo.
IA: Magkano po ang nagagastos sa ulam?
GARCIA: Mga kinse (pesos)
IA: Niluluto po n’yo ang ulam o binibili?
GARCIA: Binibili, luto na.
IA: Paano po ang bigas?
GARCIA: ‘Yong Iglesia ni Cristo ang nagbibigay sa amin. Tatlong kilong bigas kada Lunes.
IA: Tatlong kilong bigas sa isang linggo kasya na?
GARCIA: Di kasya…Mga apat o limang araw lang nagtatagal ang bigas.
IA: Eh Paano po pag wala nang bigas?
GARCIA: Tinapay na lang, o minsan wala.
Aling Rosalinda and Jennifer having breakfast |
IA: Teka, ‘yong bigas po ba ninyo kayo ang nagsasaing?
GARCIA: Hindi, nakikisaing na lang sa kapitbahay. Wala akong gamit sa pagluluto.
IA: Nakakain po ba kayo palagi ng tatlong beses isang araw?
GARCIA: Siguro….mga tatlo o apat na araw lang tatlong beses ang kain sa isang linggo.
IA: Doon po sa mga araw na di kayo kumakain ng tatlong beses, ilang beses na lang po kayo kumakain?
GARCIA: Dalawa o isang beses na lang.
IA: Ano po kinakain n’yo sa mga natirang araw na di n’yo nakukumpleto ang pagkain ng tatlong beses isang araw?
GARCIA: Tinapay na lang. Pag may natirang kanin o may nagbigay ng kanin, toyo ang ulam.
IA: Magkano po ang kadalasang budget n’yo sa pagbili ng toyo sa isang linggo?
GARCIA: Apat na piso.
IA: Pag nagugutom po at wala nang makain, ano po ang ginagawa n’yo?
GARCIA: Wala. Natutulog na lang kami ng maaga para di makaramdam ng gutom.
IA: Wala po kayong gripo sa bahay?
GARCIA: Wala.
IA: Saan po kayo kumukuha ng tubig?
GARCIA: Umiigib sa kapitbahay.
IA: Libre po ‘yon?
GARCIA: Hindi, may bayad. Piso isang galon.
IA: Sa isang linggo, ilang galon po ang binibili n’yo?
GARCIA: Dalawa.
IA: Ilang beses po kayong naliligo sa isang linggo?
GARCIA: Dalawang beses.
IA: Si Jennifer po?
GARCIA: Dalawa rin, sabay kaming maligo.
Aling Rosalinda's water containers |
IA: Nagsa-shampoo po kayo?
GARCIA: Minsan, pag may pambili.
IA: Eh pag wala?
GARCIA: Sabon na lang.
IA: Ano pong sabon?
GARCIA: Kadalasan ‘yong sabong panlaba, ‘yon na rin panligo.
IA: Ano po ang sabong panlaba n’yo?
GARCIA: Champion.
IA: Ilang beses po kayong maglaba sa isang linggo?
GARCIA: Isa.
IA: Magkano nagagastos n’yo sa pagbili ng Champion sa isang linggo?
GARCIA: Sampu (piso).
IA: May CR po kayo?
GARCIA: Wala.
IA: Saan po kayo dumudumi?
GARCIA: Sa plastic o kaya sa damit na di na ginagamit.
IA: Saan n’yo po tinatapon ang dumi ninyo?
GARCIA: Sa basurahan o kaya sa imburnal.
IA: Saan po kayo umiihi?
GARCIA: Sa arinola.
IA: Saan po ninyo tinatapon ang ihi ninyo?
GARCIA: Sa imburnal din.
IA: May kuryente po kayo?
GARCIA: Wala.
IA: Ano po ang ginagamit n’yong pampailaw?
GARCIA: Kandila.
IA: Magkano ang budget n’yo sa kandila sa isang araw?
GARCIA: Tatlong piso.
IA: Nakakabili kayo ng kandila araw-araw?
GARCIA: Hindi. Pag walang pambili, di na lang nagkakandila.
IA: Ilang beses po kayong nagsisipilyo sa isang araw?
GARCIA: Isa.
IA: Isang beses isang araw?
GARCIA: Hindi, minsan isang linggo, pero wala akong sipilyo.
IA: Paano po kayo nakakapaglinis ng ngipin kung wala kayong sipilyo?
GARCIA: ‘Yong tela o bimpo, kinukuskos lang sa ngipin.
IA: ‘Yong bimpo po nilalagyan n’yo ng toothpaste?
GARCIA: Wala kaming toothpaste. Di kami nagko-Colgate.
IA: Eh ano po ang pinanlilinis n’yo ng ngipin?
GARCIA: ‘Yong tela o bimpo pinangkukuskos sa ngipin nilalagyan ng Champion.
IA: Ahhh…so ang toothpaste n’yo po ‘yong Champion….Si Jennifer po gano’n din?
GARCIA: Oo. Ang dami na ngang sira ng ngipin n’ya.
IA: Ano po ang ginagamit n’yo na panlinis ng tenga?
GARCIA: Palito ng posporo.
IA: Nireregla pa po ba kayo?
GARCIA: Hindi na.
IA: Kailan pa po kayo huling nagkaregala?
GARCIA: Matagal na…di ko na matandaan…
IA: Noong nireregla pa po kayo, nakakabali po kayo ng menstrual pad o napkin?
GARCIA: Pag may pambili. Pag wala, pasador na lang. ‘Yong tela o kaya lumang damit na di na ginagamit.
IA: May sapatos po ba kayo?
GARCIA: Wala…step-in lang.
IA: Ilang buo o maayos pa pong panty meron kayo?
GARCIA: Dalawa.
IA: Anu-ano po ba ang gamit n’yo sa bahay?
GARCIA: Wala.
IA: Wala? Kahit kutsara?
GARCIA: Ah meron…kutsara, tinidor, pinggan.
IA: Ano pa?
GARCIA: Kumot, unan, hanger.
IA: Ano pa po?
GARCIA: Wala na.
IA: Kung magkapera po kayo pambili ng pagkain, ano po ang gusto n’yong kainin?
GARCIA: Gusto kong kumain ng baboy. ‘Yong adobo. Matagal na akong di nakakain no’n.
IA: Ano po ang nararamdaman n’yo pag sobra kayong nagugutom?
GARCIA: Sumasakit ang ulo ko. Masakit ang tiyan…maasim ang sikmura.
No comments:
Post a Comment